Rapist na ama arestado
BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 42-anyos na ama matapos halayin ang sariling anak na babae sa Barangay Bagbaguin sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Ariston Sanchez matapos ireklamo ng 11-anyos na biktimang dumulog sa pulisya kasama ang kanyang ina. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Sydney Villaflor, naganap ang krimen matapos bumisita ang biktima sa bahay ng kanyang ama. Dahil sa pagkalango sa alak ay nagawang halayin ng suspek ang kanyang anak kaya naman naipaabot nito ang insidente sa kanyang ina. Kaagad naman dumulog sa himpilan ng pulisya ang mag-ina kaya inaresto ang suspek.
- Latest