Mister nag-amok, hipag niratrat
MANILA, Philippines - Napatay ang 28-anyos na pampublikong guro matapos itong pagbabarilin ng kanyang bayaw dahil sa sinasabing pangangaliwa ng kanyang misis sa naganap na amok malapit sa eskuwelahan sa Naga City, Camarines Sur kahapon ng umaga.
Pitong tama ng bala ng baril sa noo, mukha at tiyah ang tumapos sa buhay ni Shirley Dole Borre ng Camarines Sur High School, pansamantalang nangungupahan sa nasabing lungsod at nakatira sa Caramoan.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, papasok na sana sa eskuwelahan ang biktima nang biglang mag-amok ang suspek na si Moises Beronio, 35, ng Brgy. Poblacion, Garchitorena, Camarines Sur.
Walang habas na nagpaputok ng baril ang suspek dahil sa pagkadesperado sa kaniyang misis na sinasabing nangangaliwa kung saan napagdiskitahan namang pagbabarilin ang biktima.
Matapos ang insidente ay sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek.
- Latest