^

Probinsiya

2 utas, 9 grabe sa pagsabog ng gasolina

Tony Sandoval at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na namatay habang siyam na iba pa ang malubhang na­sugatan matapos su­mabog ang plastic container na naglalaman ng gasolina sa loob ng tindahan sa Sitio Poras, Barangay Abuyon sa bayan ng San Narciso, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Namatay habang gina­gamot sa Quezon Medical Center sina Reslie Ann Rivano, 12; at Irma Pinid, 26.

Samantala, ginagamot naman sa Mulanay District Hospital ang mga na­sugatang sina Kima Andrew Espelita, 10; Kim Rolan Espelita, 10; Medelyn Espelita, 34; Gracia Rivano, 24; Edna Rivano, 26; Radel Tamo, 27; Imat Pinid, 28; Ronald Valdeveja, 29; at si Jodie Rivano, 60.

Sa imbestigasyon ni PO3 Isagani de los Santos, nasa loob ng tindahan si Rolando Espelita at nagbiro itong sisindihan ang ilang galong gasolina sa loob ng kanyang tindahan subalit sa ‘di inaasahang pagkakataon matapos nitong sindihan ang posposro ay biglang nagliyab at su­mabog.

Sa lakas ng pagsabog ay nadamay ang mga bata na naglalaro ng tong-its sa labas ng tindahan ni Espelita habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

BARANGAY ABUYON

EDNA RIVANO

GRACIA RIVANO

IMAT PINID

IRMA PINID

JODIE RIVANO

KIM ROLAN ESPELITA

KIMA ANDREW ESPELITA

MEDELYN ESPELITA

MULANAY DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with