25 MILF sugatan sa road mishap
MANILA, Philippines - Aabot sa 25 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front ang nasugatan makaraang bumaliktad ang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng highway sa Barangay Lubigan, Zamboanga City noong Martes ng gabi. Karamihan sa mga biktima kabilang ang driver ay isinugod sa Zamboanga City Medical Center. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Napoleon Estilles, PNP director sa Regional PNP Office 9, bumabagtas ang pampasaherong jeepney (KVS 102) ni Amir Alih nang mawalan ng kontrol sa manibela at bumaliktad matapos itong makaidlip sa pagmamaneho. Nabatid na ang mga biktima ay umarkila ng dalawang jeepney para dumalo sa convention ng GPH- Bangsamoro framework agreement at kasalukuyang pauwi sa Pagadian City. Nahulog sa malalim na kanal sa gilid ng kalsada ang sasakyan ng mga biktima habang ang isa pang jeepney na kasunod nito ay wala namang nangyari.
- Latest