4 sundalo minasaker ng NPA
CEBU, Philippines - Apat na sundalong miyembro ng Peace and Development Team ang minasaker ng mga rebeldeng New People’s Army matapos na harangin at ratratin ang kanilang motorsiklo sa Paquibato District, Davao City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Army’s 10th Infantry Division spokesperson Lt. Col. Lyndon Paniza ang mga nasawi na sina Pfc Ahian Vir Dolero, Pfc Marvin Lauronal, Pfc Noel Siganomes.
Samantala, ang isa pa na una ng idineklarang nawawala na si Private Marcelo Himaya ay natagpuang patay sa di kalayuan.
Napag-alamang pauwi na sa himpilan ng 60th Infantry Battalion Peace and Development Team ang apat na sundalo lulan ng motorsiklo mula sa pamamalengke nang harangin at pagbabarilin ng mga rebelde sa bahagi ng Sitio Cinco, Brgy. Mapula, Paquibato District, Davao City.
Nabatid na iniwan ng mga sundalo ang kanilang armas sa pag-aakalang hindi sila gagalawin at irerespeto ng mga rebelde sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.
- Latest
- Trending