^

Probinsiya

Dalaga tumanggi sa sex dinedo ng bf

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang dahil sa pagtangging makipag-sex, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 18-anyos na dalaga ng sarili nitong boyfriend sa Barangay San Carlos sa bayan ng Anilao, Iloilo kamakalawa.

Pitong saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Julie Ann Valencia ng Barangay Vista Alegre, Barotac Viejo habang tugis naman ng pulis­ya ang suspek na si Marky Jagorin, 25, ng Brgy. San Carlos, Anilao.

Base sa imbestigasyon, noong Sabado ng gabi ay nagpaalam ang biktima sa kaniyang mga magulang  na manonood ng Banaag Festival sa Anilao pero nakipagtagpo ito sa kasintahan bago dinala ng suspek ang kasintahan sa bahay ni Luis Senanin.

Sa salaysay ng matandang Luis, bandang alas-2 ng madaling-araw nang nagkakalabugan sa katabing silid ng magkasintahan kung saan umiiyak at humihingi ng tulong ang dalaga.

Natakot naman ang matanda kaya nagsara na lamang ng pinto hanggang sa makatulog at kinabukasan ay nadiskubre ang bangkay ng biktima.

May teorya ang pulisya na pinilit ng suspek ang biktima na mag-sex nguni’t tumanggi ito kaya pinagsasaksak.

Samantala, narekober naman ng pulisya sa crime scene ang sex video sa cell phone ng nasabing lalaki na pinanood pa ng magkasintahan bago naganap ang krimen.

vuukle comment

BANAAG FESTIVAL

BARANGAY SAN CARLOS

BARANGAY VISTA ALEGRE

BAROTAC VIEJO

BRGY

ILOILO

JULIE ANN VALENCIA

LUIS SENANIN

MARKY JAGORIN

SAN CARLOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with