^

Probinsiya

LTO man itinumba ng tandem

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 36-anyos na kawani ng Land Transportation Office (LTO) matapos ratratin ng riding-in-tandem assassins sa loob ng kanyang tahanan sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga.

Apat na bala ng cal.45 pistol ang tumapos sa buhay ni Rolan Caranto, nakatalaga sa Flying Squad Task Force,  computer system record programmer sa Antipolo City, Rizal at nakatira  sa El Pueblo Subd., Barangay Kaypombo sa nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ranilo Dela Cruz, lumilitaw na nagsasampay ng nilabhang damit ang biktima sa bakuran ng kanyang tahanan nang duma­ting sa gilid ng bakuran ang dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo.

Dito na sinimulang ratratin ang biktima kung saan tinamaan sa katawan ang biktima at kahit sugatan ay nakatakbo pa ito sa loob ng kanyang bahay para makapagtago.

Subalit sinundan siya ng dalawang armadong lalaki bago muling pinagbabaril kung saan napuruhan sa dibdib.

Nabatid sa  misis na si Dezeree Caranto na bago maganap ang pamamaril ay nakatanggap na ng pagbabanta sa buhay ang kanyang asawa nitong nakalipas na buwan kaya madalas na itong lumiban sa trabaho.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may kinalaman ang pagiging kawani ng LTO kung saan may mga grupo ng motoristang pasaway ang kanyang nasagasaan.

ANTIPOLO CITY

APAT

BARANGAY KAYPOMBO

BULACAN

DEZEREE CARANTO

EL PUEBLO SUBD

FLYING SQUAD TASK FORCE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

RANILO DELA CRUZ

ROLAN CARANTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with