Fish vendor niratrat ng NPA rebels
MANILA, Philippines - Patay ang isang fish vendor matapos itong pagbabarilin ng apat na mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Paquibato District, Davao City.
Kinilala ni Army’s 10th Infantry Division (ID) Spokesman Lt. Col Lyndon Paniza ang nasawing biktima na si Rannel Parilla, 34-anyos.
Bandang alas-3:30 ng hapon habang naglalako ng panindang isda ang biktima ng harangin at pagbabarilin ng mga rebelde.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay pinaghihinalaan ng mga rebelde na tipster ng militar na siyang sinisilip na anggulo sa motibo ng krimen.
Kinondena naman ni Paniza ang insidente lalo na at naulila ng biktima ang kaniyang pamilya.
- Latest