^

Probinsiya

4 patay, 7 pa sugatan sa road mishap

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat katao ang nasawi  habang pito pa ang nasugatan kabilang ang dalawang paslit sa magkakahiwalay na banggaan ng mga behikulo sa bayan ng Tagkawayan at Tiaong, Quezon kamakalawa.

 Sa ulat ng Quezon Police,  naitala ang unang sakuna bandang alas-11:45 ng umaga sa Quirino Highway, Brgy. Sta. Cecilia, Tagkawayan, Quezon habang patungo sa Bicol Region ang Mitsubishi Lancer (PPW-481) na minamaneho ni Danilo Arevalo ng Bacoor, Cavite na may lulang anim katao.

 Nawalan umano ng kontrol sa manibela si Arevalo sa pakurbadang bahagi ng highway bunsod upang tuluy-tuloy na bumangga ang behikulo sa nakaparadang ten wheeler truck sa tabi ng highway.

 Sa nasabing insidente ay dead-on-arrival sa Seton Ge­neral Hospital ang mga biktimang sina Arevalo at Marissa Arciaga matapos na magtamo ng grabeng sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Patuloy namang ginagamot sa pagamutan ang mga sugatang biktima na sina Michelle Unay, mga kapatid nitong  sina Ma. Jochelle, 8 at Janelle, Jenny Rose Gregorio, 35 at Arjay Lopez; pawang  mga residente ng Bacoor, Cavite.

 Samantala, bandang alas-10:20 naman ng gabi  ng mag-banggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng provincial road ng Brgy. San Agustin, Tiaong, Quezon na ikinasawi ng mga biktimang sina Arvie Awatin at Harvey Ramos. Nasugatan naman sa insidente sina Jaypee Nodera, 13 at Gilbert Villarosa na mabilis na isinugod sa pagamutan.

 

AREVALO

ARJAY LOPEZ

ARVIE AWATIN

BACOOR

BICOL REGION

BRGY

CAVITE

DANILO AREVALO

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with