^

Probinsiya

Bangka tumaob: 2 patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humabol pa sa pagdaraos ng All Saints’ Day ang dalawang menor-de-edad makaraang malunod sa pagtaob ng bangkang sinasakyan na tinangay ng malakas na agos ng tubig sa bayan ng General Nakar, Quezon kamakalawa. Kinilala ang mga nasawi na sina Anilou Espera, 15; at Reynel Andrada, 16, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan. Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-11 ng umaga nang mangyari ang insidente sa ilog ng Barangay Batangan. Ang mga biktima ay nagkatuwaang mamangka  sa nasabing ilog na humantong sa trahedya. Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang kapitan ng bangka na kinilalang si Romulo Bonbo. Base sa imbestigasyon, ang mga biktima ay lulan ng bangka na naglalayag nang tumaob sa gitna ng malalim na bahagi ng ilog bunga ng sobrang lakas ng agos. Nabatid na ang mga biktima ay kapwa hindi marunong lumangoy kaya tinangay ng malakas na agos.

ALL SAINTS

ANILOU ESPERA

BARANGAY BATANGAN

BATAY

CAMP CRAME

GENERAL NAKAR

HUMABOL

ISINAILALIM

REYNEL ANDRADA

ROMULO BONBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with