^

Probinsiya

Siamese twin isinilang sa Isabela

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

ILAGAN CITY, Philippines  – Malusog na Siamese twin na sinasabing magkadikit ang kanilang dibdib ang isinilang ng 34-anyos na misis sa Isabela Provincial Hospital noong Sabado, Oktubre 27.

Ayon kay Gertrude Yap, administrative officer ng nasabing ospital, nakatakda namang ilipat sa Philippine General Hospital ang sinasabing kambal kung saan may kaniya-kanyang puso at iba pang organs.
Sa pamamagitan ng caesarean operations na isinagawa ni Dr. Glorina Rejano ay matagumpay na nailuwal ni Lovelyn Cabauatan ang kanyang kambal na anak na sina Jona at Joanna.

Ayon sa mag-asawang John at Lovelyn Cabauatan ng Barangay Eden, San Manuel, Isabela, hindi nila inasahan na magkadikit ang mga sanggol na dalawang kilo ang timbang at sinasabing ipinaglihi sa kambal na bunga ng saging.

Ayon sa ina ng mga sanggol, pinapagalitan niya noon ang tatlo pa nitong naunang anak kapag pinapakialamang kainin ang mga kambal-kambal na saging na pinapakyaw nito sa tuwing siya ay namamalengke.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY EDEN

DR. GLORINA REJANO

GERTRUDE YAP

ISABELA

ISABELA PROVINCIAL HOSPITAL

JOANNA

LOVELYN CABAUATAN

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SAN MANUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with