^

Probinsiya

Babae, pinakasalan ang bangkay ng nobyo

Raymond Catindig - Pilipino Star Ngayon

Cauayan City, Philippines - Dahi­lan sa pambihirang pag-ibig na walang hanggan, pinakasalan ng isang 30-anyos na babae ang bangkay ng nasawi nitong nobyo sa itinakdang kasalan na hindi napigilan ni kamatayan sa Brgy. Silawit ng lungsod na ito kahapon ng umaga.

Isinakatuparan ni Pastor Vicente Baligod Jr. ng Christ the Deliverer Born Again Church sa pamamagitan ng basbas at dasal ang pagtataling puso ng magkasintahang sina Ge­raldine Tinoso, 30 at boyfriend nitong si Romnick Bucad, 24 anyos.

Hindi naman napigilan ni Geraldine ang emosyon na nangilid ang luha ng ikasal sa bangkay ng pinakamamahal na nobyo.

Sinabi ni Geraldine na kahit hindi na niya narinig pa ang pisikal na pagtanggap sa kaniya ni Romnick sa pamamagitan ng palitan ng sumpaan ng mga magsing-irog na ikinakasal ay batid niya sa kaniyang puso na hanggang sa dulo ng walang hanggan ay mahal nila ang isa’t isa.

Nabatid na dalawang araw bago ang itinakdang kasal nitong Sabado ng magkasintahan ay nasawi si Romnick matapos na magkalasug-lasog ang katawan sa isang aksidente sa Mallig, Isabela noong Huwebes.

Ayon kay Geraldine, pinigilan siya ni Romnick na magtrabaho sa isang bansa dahilan nais nitong magpakasal na sila.

Idinagdag pa ni Geraldine na sa tahanan na ng pamilya Bucad siya titira bilang kapamilya na ng pinakasalang Bangkay.

vuukle comment

AYON

BANGKAY

BRGY

BUCAD

CHRIST THE DELIVERER BORN AGAIN CHURCH

DAHI

GERALDINE

PASTOR VICENTE BALIGOD JR.

ROMNICK

ROMNICK BUCAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with