^

Probinsiya

Tren nadiskaril: 9 sugatan

Tony Sandoval at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Siyam-katao ang iniulat na nasugatan makaraang mahati sa tatlong bahagi ang tren na sumablay sa riles  dulot ng pagbaha kahapon ng ma­daling-araw sa bahagi ng Brgy. Canda sa bayan ng Sariaya, Quezon­.

Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council Executive Director Benito Ramos, ang mga nasugatan ay sina Joan Agdeppa Yalung, 30; Renelee Francisco, 30; Enamanee Tangra Monter, Mark Agdeppa, Aminda Granada, Jesus C. Sevilla, Pantallon San Pedro at si Ybet Molina Palido.

Bandang alas-12:15 ng madaling-araw nang madis­karil ang tren na may lulang 128 pasahero at patungong Bicol.

Sinabi ni Ramos na dahil sa pagbaha ay inanod ang ilang bagol ng tren kaya nawala sa riles bago nagka­hiwa-hiwalay.

Ang mga biktima ay agad namang sinaklolohan ng lokal na rescuer sa pangu­nguna ni Henry Buzar kung saan naisugod naman ang mga ito sa ospital.

vuukle comment

AMINDA GRANADA

COUNCIL EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

ENAMANEE TANGRA MONTER

HENRY BUZAR

JESUS C

JOAN AGDEPPA YALUNG

MARK AGDEPPA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MA

PANTALLON SAN PEDRO

RENELEE FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with