^

Probinsiya

Posthumous Award sa napaslang na pulis

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines – Dahil sa paglilingkod sa bayan kahit sa kamatayan ay gagawaran ng Posthumous Award ang napaslang na pulis na lumaban sa riding-in-tandem sa bahagi ng Ba­rangay Poblacion sa bayan ng Pandi, Bulacan may ilang araw na nakalipas.

Bukod sa nasabing award ay ipagkakaloob din sa na­patay na si PO2 Shane Michael Cruz ang lahat ng benipisyo para sa kanyang naiwang pamilya at awtomatikong itataas ang kanyang ranggo base sa rekomendasyon ng pamunuan ng PNP.

Ayon kay P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr., Bulacan PNP director, si PO2 Cruz, 27, na nakatira sa ba­yan ng Baliwag, Bulacan ay ginampanan ang kanyang tungkulin matapos sitahin ang riding-in-tandem na may nakasukbit na baril na sinasabing walang kaukulang papeles.

Dito na niratrat ng tandem ang biktima kung saan nagkataon namang namataan ng off duty na si PO2 Tito Morales kaya sumaklolo ito at nabaril ang isa sa dalawang gunmen.

Sa follow-up operation ay nasakote naman ng mga tauhan ni P/Supt Lailene Amaro ang isa sa suspek na si  Francisco Cullado habang tinutugis naman ang kasabwat nitong si Allan Bantilan.

ALLAN BANTILAN

AYON

BULACAN

FERNANDO MENDEZ JR.

FRANCISCO CULLADO

POSTHUMOUS AWARD

SENIOR SUPT

SHANE MICHAEL CRUZ

SUPT LAILENE AMARO

TITO MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with