^

Probinsiya

Bangka lumubog: 2 guro todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang opisyal ng Department of Education (DepEd) ang iniulat na nalunod matapos lumubog ang kanilang bangka sa karagatan ng Puyo, Calatrava Island, Romblon kahapon ng tanghali.  Kinilala ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Benito Ramos ang mga nasawing biktima na sina Eve Fajutag, 66; at Grace Mallorca, 55.

Patuloy namang pinaghahanap ang isa pang guro na si Ana Adarlo na tuluyang nilamon ng malakas na alon.

 Nasagip naman ang 52 pasahero habang ligtas din ang 9 tripulante ng nasabing bangka.

Ayon sa ulat, naglalayag ang bangkang El Kapitan na may lulang 55 guro mula sa Simara Island patungong Romblon nang balyahin ng malaking alon bago unti-unting lumubog.

Mabilis namang rumesponde ang search and rescue team ng Phil. Coast Guard.

vuukle comment

ANA ADARLO

CALATRAVA ISLAND

COAST GUARD

DEPARTMENT OF EDUCATION

EL KAPITAN

EVE FAJUTAG

GRACE MALLORCA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

ROMBLON

SIMARA ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with