^

Probinsiya

Brodkaster dakma sa drug bust

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines – Kalaboso ang 61-anyos na brodkaster na sinasabing nagpapakalat ng bawal na droga sa kanilang lalawigan matapos masakote ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bahagi ng Pilar Port, Barangay Binanuahan sa bayan ng Pilar, Sorsogon kahapon ng madaling araw.

Pormal na sumasailalim sa tactical interrogation at sasampahan ng kaukulang kasong kriminal ang suspek na si Felicito Lasaro, blocktimer ng radio dyME, anchorman ng TV-6 Masbate at nakatira sa Barangay Nur­sery, Masbate City, Masbate.

Sa ulat na nakarating kay Christian Frivaldo, asst. regional director ng PDEA, nadakma ang suspek dakong alas-3 ng madaling araw habang naghihintay ng barko na patungong Masbate.

Napag-alaman din sa surveillance team ng PDEA na  ang suspek ay nagtungo pa sa Metro Manila at papauwi na ito nang masakote sa inilatag na drug bust ­operation.

Nasamsam sa suspek ang 5 gramo ng shabu na may street value na P 50,000 kung saan pinaniniwalaang ipagbibili sa nasabing lalawigan.

BARANGAY BINANUAHAN

BARANGAY NUR

CHRISTIAN FRIVALDO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FELICITO LASARO

KALABOSO

LEGAZPI CITY

MASBATE

MASBATE CITY

METRO MANILA

PILAR PORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with