^

Probinsiya

P1.8-M natipid sa konsumo ng kuryente

Ni Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines  - Nakatipid ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ng P1.8 milyong bayarin sa kunsumo ng kuryente, ang pinakamalaking pagtitipid sa kuryente ng ahensya matapos ilunsad ang energy conservation program noong 2011.

Ayon kay SBMA Chairman Roberto Garcia, walong buwan na ang nakalipas ng ipatupad ang implementasyon ng programa kung saan malaking pagbaba o pagtitipid sa kunsumo ng kuryente nitong nakalipas na buwan.

Mula P6.98 milyon ay nabawasan ito ng P5.16 milyon sa bayarin sa konsumo sa kuryente o 26 percent ang ibinaba.

Sa tala ng SBMA, natap­yasan ng kabuuang 48, 417 kwh mula sa 711, 684 kwh ay naging 663, 267 kwh na lamang ang naging konsumo noong Setyembre simula ng mag-umpisa ang nasabing programa.

Ito na umano ayon kay Garcia, ang pinakamalaking pagtitipid sa bayarin ng SBMA dahil na rin sa kanilang pagsunod sa Government Energy Management Program ng national government.

AYON

CHAIRMAN ROBERTO GARCIA

GARCIA

GOVERNMENT ENERGY MANAGEMENT PROGRAM

KURYENTE

MULA

NAKATIPID

SETYEMBRE

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with