Killer ng kapitbahay timbog

BALAGTAS, Bulacan, Philippines – Nagwakas na ang tatlong taong pagtatago sa batas ng isang lalaki na itinuturong responsable sa pagpatay sa kaniyang kapitbahay at kabilang sa most wanted person sa bayang ito matapos maaresto sa pinagtatrabahuhang rice mill kamakalawa. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Renato Francisco ng Regional Trial Court Branch 19 sa Malolos City ay inaresto ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Alfonso Cruz ang suspek na kinilalang si Elmer Chavez 43, nakatala bilang No.3 most wanted, residente ng Northville 6, Brgy. Santol sa bayang ito at walang inerekomendang piyansa para sa kasong murder. Bandang alas 8:30 ng umaga, isang kaanak ng biktimang si Romeo Soriano, residente din ng Northville 6, Brgy. Santol ang nag-ulat sa pulisya hinggil sa presensya ng suspek sa isang rice mill sa Intercity Industrial State ng Brgy. Wakas,Bocaue na nagresulta sa kaniyang pagkakaaresto..

Show comments