^

Probinsiya

Habulan sa checkpoint: 1 patay, 2 pulis sugatan

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang hinihinalang notoryus na holdaper habang sugatan naman ang dalawang pulis makaraang sumambulat ang granadang bitbit ng suspek sa nangyaring habulan sa checkpoint sa Jaro, Iloilo City nitong Sabado ng madaling araw.

 Ayon kay Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., nakilala ang suspek na si Gelbie Principe, na miyembro rin ng gun-for-hire syndicate, sangkot sa serye ng nakawan sa lungsod at may warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng korte.

Nagtamo naman ng sugat sa dalawang binti si PO3 Fidel Mosquito habang nasugatan sa kaliwang binti si PO1 Christian Lava; pawang nilalapatan na ng lunas sa pagamutan.

Bandang ala-1 ng madaling araw habang nagsasagawa ng checkpoint ang Police Station 3 ng Iloilo City Police sa kahabaan ng Jalandoni St., Jaro, Iloilo City nang sumibad sa checkpoint ang motorsiklong TMX 155 na sinasakyan ng suspek na tumangging sumailalim sa inspeksyon.

Agad naman itong hinabol ng patrol car ng ilang pulis na nagbabantay sa checkpoint pero pumasok sa isang apartment sa Brgy. Fatima ang suspek at nagtago sa loob ng comfort room kung saan sumabog ang dala nitong granada habang pinasusuko ng mga awtoridad.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang cal. 45 pistol na dala ng suspek, magazine ng nasabing armas, P29,000 cash, NOKIA cellphone at ang motorsiklong gamit nito.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

CHIEF SUPT

CHRISTIAN LAVA

DIRECTOR P

FIDEL MOSQUITO

GELBIE PRINCIPE

ILOILO CITY

ILOILO CITY POLICE

JALANDONI ST.

JARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with