Ama dinedo sa harap ng anak

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang 45-anyos na ama ang pinabulagta ng riding-in-tandem gunman sa harap ng kanyang anak na sinundo mula sa paaralan sa Barangay Bagbago sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Dexter Corpuz, hepe ng PNP ng Solsona ang biktima na si Johnny Curammeng kung saan napuruhan sa ulo. Natulala naman ang anak ng biktima matapos masaksihan ang pagpatay sa kanyang ama. Tatlong basyo ng bala ng baril ang narekober ng pulisya sa crime scene habang blangko pa rin ang mga imbestigador sa motibo ng nasabing pagpatay.

Show comments