18-anyos kinatay ng amain

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Napatay ang 18-anyos na lalaki matapos itong pagtatagain ng kanyang amain sa Sitio Bagalangit, Barangay Quezon sa bayan ng Claveria, Masbate kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot pa ng buhay sa Claveria District Hospital ang biktimang si Eljon Aragon habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Morres Cabajes, 28, kapwa magsasaka at tubong San Jose, Dinagat Island, Surigao Del Norte. Naganap ang krimen matapos magtalo ang da­lawa habang nangungu­ha ng niyog.

Show comments