^

Probinsiya

Lider ng RAM na sangkot sa double murder, sumuko

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos ang mahabang panahon, sumuko na sa Philippine Army ang lider ng Reformed the Armed Forces Movement (RAM) na si (ret.)  Lt. Col Eduardo “Red” Kapunan, pangunahing suspect sa pagpatay sa lider manggagawa na si Rolando “Ka Lando“ Olalia at driver nitong si Leonor Alay-ay  matapos ang Edsa Revolution noong 1986, ayon sa opisyal kahapon.

Ayon sa mataas na opisyal ng Philippine Army na tumangging magpabanggit ng pangalan, si Kapunan ay sumurender kay Army Commanding General Lt. Gen. Emmanuel Bautista noon pang Sabado.

Si Kapunan ng Philippine Air Force  ay dating lider ng RAM na naglunsad ng coup de etat laban sa rehimen ni dating Pangulong Corazon Aquino na dumanas ng 7 bigong kudeta noong dekada 80.

Isinailalim naman sa kustodya ng Custodial Management Unit (CMU) ng Philippine Army si Kapunan base na rin sa kahilingan nito.

Si Kapunan ay mistah nina dating PNP Chief at ngayo’y Senador Panfilo Lacson at Senador Gregorio Honasan sa Philippine Military Academy Class 1971.

Nabatid na ang pagsuko ni Kapunan ay bahagi ng pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso nito sa pagpaslang kay Olalia  at driver nito sa Antipolo City noong Nobyembre 13, 1986.

Samantala, naghain na rin ng petisyon sa korte si Kapunan para makapagpiyansa sa kasong kaniyang kinasa­sangkutan.

Kaugnay nito, kinuwestiyon naman ni Atty Edre Olalia, pinsan ni Ka Lando ang pagsasailalim sa kustodya ng Philippine Army sa sumukong si Red Kapunan.

Nanawagan rin ito sa 11 pang RAM members na sangkot sa krimen na magsisuko na sa batas kaugnay ng patuloy na paghahanap nila ng hustisya sa pagkamatay ni Ka Lando.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

ARMY COMMANDING GENERAL LT

ATTY EDRE OLALIA

COL EDUARDO

CUSTODIAL MANAGEMENT UNIT

EDSA REVOLUTION

EMMANUEL BAUTISTA

KA LANDO

KAPUNAN

PHILIPPINE ARMY

SI KAPUNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with