Suspek sa bank manager slay, dakma
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Nahulog sa kamay ng batas ang isa sa pangunahing suspek sa pagpatay ng bank executive sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Isabela, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Kinilala ni P/Senior Supt. Franklin Mabanag, Isabela PNP director ang suspek na si Joey Bautista na isinasangkot sa pamamaslang kay Johnson Pascual, 52, manager ng FICO Bank sa bayan ng Maddela, Quirino. Si Pascual, na isa ring kolumnista ng weekly newspaper sa Quirino ay pinagbabaril sa ulo ng dalawang suspek habang lulan ng kanyang Crosswind SUV sa kahabaan ng highway sa Barangay Rizaluna sa bayan ng Alicia, Isabela noong Oct. 20, 2011. Inamin ng suspek na siya ang bumaril kay Pascual matapos siyang bayaran sa halagang P.2 milyon kasama si alyas Buddy Palabay. Nilinaw naman ng pulisya na ang pagpatay kay Pascual ay may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang manager ng banko at hindi bilang mamamahayag.
- Latest
- Trending