Katiwala pinugutan ng kabaro

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan , Philippines – Hindi na nagising ang 31-anyos na katiwala sa palaisdaan matapos itong pugutan ng ulo ng kanyang kasamahang katiwala rin ng kanilang amo sa Barangay Ubihan sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Randy Capalad habang nadakma naman ang suspek na si Ruben Nucillo, 40. Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Sydney Villaflor, nagkainuman ang biktima at suspek sa palaisdaan at nang malasing ay nagkapikunan kung saan inawat naman ng ilang kainuman. Sinamantala naman ng suspek ang mahimbing na pagkaktulog ng biktima at isinagawa ang krimen.

Show comments