^

Probinsiya

Nagdedeliryong security aide ng pamilya Revilla, tinanggihan ng ospital

- The Philippine Star

CAVITE, Philippines  – Pinaniniwalaang may bahid-pulitika ang kahihiyang dinanas ng 68-anyos na security aide ng Revilla Family na sinasabing may matinding karamdaman matapos na tanggihan ng ospital sa Imus City, Cavite noong Biyernes ng umaga.

Sa panayam kay Blanchito Flores ng Barangay Toc­long sa nasabing lungsod, isinugod siya sa Medical Center Imus para magpa-confine sa sakit sa dibdib subalit matapos mabigyan ng paunang lunas ay tinanggihan naman siyang i-admit sa hindi nabatid na dahilan.

Si Flores na may 30 taong naglingkod kay ex-Senator Ramon Revilla Sr. at kasalukuyang personal security aide ng mga Revilla kabilang na si Senator Bong Revilla Jr. ay may hawak na Med o Care Health Systems, Inc. `(ID#100100102310).

“Nagtataka naman ako dahil ipinakita ko ‘yung health card ko para bigyan ng kuwarto subalit tinanggihan pa rin ang request ko kahit na nangangatal na ang aking katawan,” pahayag ni Chito.

Dito na kinausap ni Flores ang kanyang doktor na si Dr. Allan Chua para pakiusapan ang mga staff ng nasa­bing medical center subalit nanindigan ang mga ito na tanggihang i-confine ang nasabing pasyente.

Kaagad namang umaksyon si Dr. Chua at nailipat naman sa Emilio Aguinaldo Medical Center kahapon ng umaga upang hindi malagay sa panganib ang kalusugan ng kanyang pasyente kung saan mabilis naman nakabitan ng oxygen para makahinga ng maluwag.

Kinondena naman ng pamilya Flores ang ginawa ng nasabing medical center na hindi makataong pagtrato sa kanilang pasyente kahit na nalalagay sa pa­nga­nib ang buhay.

Sa kasalukuyan ay hindi naman nakapagbigay ng panig ang nasabing medical center na sinasabing pribadong ospital.

BARANGAY TOC

BLANCHITO FLORES

CARE HEALTH SYSTEMS

DR. ALLAN CHUA

DR. CHUA

EMILIO AGUINALDO MEDICAL CENTER

IMUS CITY

MEDICAL CENTER IMUS

REVILLA FAMILY

SENATOR BONG REVILLA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with