Kinalasan ng nobya, estudyante nag-suicide
LOPEZ, QUEZON, Philippines – Winakasan ng isang Electrical Engineering student ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti makaraang hindi na nito makayanan ang lungkot dahil sa pakikipagkalas ng kanyang girlfriend kamakalawa sa Brgy. Talolong ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Al Darrel Belleza, binata, 4th year college sa PUP Lopez Branch, tubong Buenavista,Quezon at nagbo-board sa bahay na pag-aari ni Tomas Villar sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat ni SPO1 Rodel Paloma, dakong alas-5:10 ng hapon ay natagpuan ang biktima na nakabiting wala ng buhay sa palupo ng kisame sa nasabing bahay at sa tabi nito ay nakita rin ang isang monobloc chair na hinihinalang tinuntungan nito saka tumalon.
Lumalabas sa imbestigasyon na dakong ala:-1:45 ng araw na iyon ay nakipag-break sa biktima ang girlfriend nitong si Seychelle Orcin, 18, 2nd year college sa naturang unibersidad.
Samantalang bandang alas-2:20 ng hapon ay nakatanggap ng text messages si Seychelle mula sa biktima na namamaalam na ito dahil hindi niya kayang mawala ang kasintahan.
Natagpuan din sa dingding ng kuwarto ng biktima ang litrato ni Seychelle at mga suicide notes.
- Latest
- Trending