^

Probinsiya

3 sugatan sa grenade explosion

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tatlo katao kabilang ang isang Brgy. Councilor ang nasugatan makaraang ha­gisan ng granada ng motorcycle riding in tandem ang tricycle na sinasakyan ng mga ito malapit  ng isang detachment ng militar sa Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Col. Prudencio Asto, Chief ng Public Affairs Office ng Army’s 6th Infantry Division (ID) ang mga biktima na Gilbert “Bong” Perdida; Brgy. Councilor ng Brgy. Kapinpilan, Midsayap; Renante Druero at ang driver ng tricycle na si Datuan Patugkain pawang isinugod sa Cruzado Medical Hospital para malapatan ng lunas.

Base sa imbestigasyon, bandang alas- 8:30 ng gabi habang lulan sina Perdida at ?Druero ng tricycle na minamaneho ni Patugkain  nang biglang hagisan ng granada ng motorcycle riding in tandem ilang hakbang lamang mula sa Buhisan military detachment sa lugar.

Kasalukuyan namang inaalam ng mga awtoridad kung si Perdida o ang military detachment ang target ng riding in tandem na naghagis ng granada na ikinasugat ng mga biktima.

Isang squad naman ng Army’s 7th Infantry Battalion (IB) ang nagtungo sa lugar upang umasiste sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ng pulisya sa isinasagawang imbestigasyon.

BRGY

CRUZADO MEDICAL HOSPITAL

DATUAN PATUGKAIN

DRUERO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

PERDIDA

PRUDENCIO ASTO

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with