Matandang dalaga, ni-rape slay

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Pinaniniwalaang hinalay muna bago pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng ‘di-kilalang lalaki ang 59-anyos na dalaga sa Barangay Taysan, Legazpi City, Albay kahapon ng madaling-araw. Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuan sa kawayang papag sa loob ng kanyang tahanan ang walang saplot sa buong katawan ang biktimang si Salvacion Arjona. Ayon kay P/Supt. Oscar Regala, hepe ng pulisya sa nasabing bayan, posibleng kakilala ng biktima ang suspek kaya pinatahimik ito. Narekober din sa crime scene ang patalim na ginamit ng killer habang patuloy namang isinasailalim sa post-mortem examination ang bangkay ng biktima para masigurong hinalay nga ito.

Show comments