^

Probinsiya

3 bulagta sa shootout

Nina Tony Sandoval at Joy Cantos - The Philippine Star

CANDELARIA, Quezon, Philippines  – Tatlo-katao ang iniulat na namatay kabilang ang mag-asawang nadamay sa crossfire habang nasugatan naman ang ex- Quezon ABC president sa naganap na shootout sa Barangay Pahinga Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon kahapon ng madaling-araw.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang mag-asawang sina Crisanto at Charina Tria habang inaalam naman ang pagkakakilanlan ng driver ng sasakyan ng mga armadong kalalakihan.

Samantala, naisugod naman sa Lucena United Doctors Hospital matapos tamaan sa hita si dating ABC President Macario Boongaling.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagsasagawa ng checkpoint ang mga opisyal ng barangay official sa pangu­nguna nina Boongaling at Teodoro Mendoza, hepe ng mga barangay tanod laban sa mga magnanakaw ng sasabunging manok nang maispatan ang paparating na Innova van na sinasabing may plakang ZPE 124.

Sa halip na huminto sa checkpoint ay pinagbabaril ang mga nagbabantay na tanod kaya gumanti naman ang grupo ni Boongaling hanggang sa magkaroon ng ilang minutong putukan.

Dito na tinamaan sa crossfire ang mag-asawang Tria na lulan ng traysikel habang napuruhan ang driver ng van na sinasakyan naman ng mga armadong kalalakihan.

Kung hindi nakasuot ng bullet proof vest si Boonga­ling ay tiyak na napuruhan ito sa katawan.

Agad namang nagpulasan ang mga suspek na inabandona ang kanilang van.

Narekober sa loob ng van ang Carbine rifle, cal. 45 pistol at isang magazine para sa M16 rifle.

Nabatid na talamak na ang nakawan ng mga pana­bong na manok kung saan aabot na sa 100 manok ang nawawala mula sa farm na pag-aari ni Boongaling.

vuukle comment

BARANGAY PAHINGA SUR

BOONGA

BOONGALING

CANDELARIA

CHARINA TRIA

LUCENA UNITED DOCTORS HOSPITAL

PRESIDENT MACARIO BOONGALING

QUEZON

TEODORO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with