MANILA, Philippines - Maagang nagsumite ng certicates of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) si Sulan Kudarat Mayor Tucao Mastura kung saan makakalaban nito sa gubernatorial race si Maguindanao Governor Toto Mangudadatu sa May 2013 midterm elections.
Naghain na kahapon ng certificate of candidacy (CoC) si Mayor Mastura ng kandidatura sa gubernatorial race sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).
Si Mastura na naging chairman ng Liberal Party sa Maguindanao ay piniling tumakbo sa ilalim ng PDP-Laban ni Vice President Jejomar Binay na isa sa mga bumuo ng UNA.
Magiging runningmate ni Mastura si dating Talayan Mayor Datu Ali Midtimbang.
Sinabi ni Mastura na nabigo umano si Mangudadatu na sundin ang ‘tuwid na daan’ na isinusulong ng gobyerno kaya nagawa niyang kalabanin ang dati niyang amo.
Nabatid na si Matsura na naging MNLF commander noong dekada ‘70 at dating campaign manager ni Mangudadatu ay isang Certified Public Accountant.
Matatandaan na naging kontrobersyal na usap-usapan sa buong mundo ang Maguindanao dahil sa kalunus-lunos na pagpatay sa 57-katao kabilang na ang mga mamahahayag noong 2009.