Coed kisay sa kuryente

NUEVA ECIJA, Philippines – Napaaga ang kamatayan ng 17-anyos na college student matapos makuryente sa Bubungan ng Barangay Social Hall sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon. Namatay habang ginagamot sa Bongabong District Hospital ang biktimang si Carlo Florez ng Barangay Sinipit. Nabatid sa ulat na nag-aayos ng dekorasyon ang biktima kasama ang magpinsang Francis Valino at Aldrin Soratio nang mapadikit ang kuwintas sa talop na linya ng kuryente. Dito na nagkikisay ang biktima kung saan mabilis namang sinaklolohan ng magpinsan at dinala sa nasabing ospital subalit namatay din.

Show comments