Trader tinodas ng katiwala

BULACAN, Philippines - Sinaksak at napatay ang 57-anyos na negosyanteng babae ng kanyang katiwalang lalaki sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Poblacion, Pulilan, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rosita Cruz habang tinutugis naman ang dalawang suspek kabilang na ang katiwala ng pamilya Cruz. Ayon sa pulisya, nadiskubre ang krimen matapos umuwi ang mister na si Felixberto mula sa meeting. Nabatid din na nawawala ang P.3 milyong cash at mga mamahaling alahas mula sa aparador. Hindi na rin lumutang ang katiwalang lalaki ng mag-asawa na sinasabing pangunahing suspek sa krimen.

Show comments