PAMPANGA, Philippines - Magsusumite na ng certificates of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec)-Pampanga sina re-electionist Gov. Lilia Pineda kasama si Candaba Mayor Jerry Pelayo na tatakbo namang kongresista sa ikaapat na distrito ng Pampanga ngayong umaga.
Kasama rin ni Gov. Pineda ang kanyang runningmate na anak na si ex-Lubao Mayor Dennis Pineda at ang mga kandidatong board member ng Kambilan para sa apat na distrito.
Umaasa si Gov. Pineda na mananalo ang buong tiket ng Kambilan kabilang si Mayor Pelayo sa congressional race sa 4th district ng Pampanga.
Samantala, ang anak ni Mayor Pelayo na si Patrick Pelayo ay maghahain din ng COC sa Comelec para sa mayoralty race sa bayan ng Canbada sa ilalim ng Anak ng Candaba (ANC) sa Huwebes.
Inaasahang makakalaban ni Gov. Pineda sa gubernatorial race ay ang dating governor na si Among Ed Panlilio ng Liberal Party habang ang napaulat na runningmate ng dating pari ay ang anak ni Sen. Lito Lapid na si Maynard Lapid.