^

Probinsiya

Van vs trak: Konsehal dedo, 7 grabe

- Freeman News Serivice - The Philippine Star

BOHOL, Philippines  – Matapos manumpa bilang miyembro ng Liberal Party sa Bohol, nasawi ang presidente ng Liga ng mga Barangay Federation na tumatayong konsehal makaraang sumalpok ang kanilang van sa cargo truck na nasiraan sa gitna ng highway ng Barangay Calanggaman sa bayan ng Ubay, Bohol noong Miyerkules.

Ito ang kinumpirmang ulat ni Mayor Tesalonica Boyboy sa Freeman na si ex-officio Councilor Ricardo Galo ng bayan ng Pres. Carlos P. Garcia ay namatay habang pitong iba pa kabilang si Vice Mayor Nestor Abad ay malubhang nasugatan.

Kabilang sa malubhang nasugatang nagpapaga­ling sa ilang ospital sa Tagbilaran City ay sina Ester Galo, misis ni Ricardo; PCG Councilor Boiser, Councilor Narciso Ba­culpo, Councilor Renato Zapanta, Councilor Cecilio Olvido, at ang bookkeeper na si Caridad Legaspi.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na ang mga biktima ay umarkila ng van para humabol sa bangka na magdadala pabalik sa kanilang bayan matapos ang oathtaking rites ng mga bagong miyembro ng Liberal Party (LP) sa Bohol na sinaksihan mismo ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon sa pulisya, hindi na naiwasan ng driver ng van na si Bartolome Mendoza ang nakaparadang cargo truck na may lulang coconut seedings sa highway kung saan wala pa itong early warning device (EWD) o kaya reflector sa tagiliran.

Kapwa naman ma­nanagot ang driver ng van na si Mendoza at ang truck driver na si Ricardo Daboyan ng Cebu sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple physical injuries.

BARANGAY CALANGGAMAN

BARANGAY FEDERATION

BARTOLOME MENDOZA

BOHOL

CARIDAD LEGASPI

CARLOS P

COUNCILOR BOISER

COUNCILOR CECILIO OLVIDO

COUNCILOR NARCISO BA

LIBERAL PARTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with