^

Probinsiya

Guro lumagapak sa iskul, patay

- Cristina Timbang - The Philippine Star

CAVITE, Philippines — Lasog ang katawan at nasawi ang 27-anyos na teacher ma­tapos na mahulog mula sa ikatlong palapag ng eskuwelahan na sinasabing na­tangay ng hangin kasama ang tent kahapon ng tanghali sa Barangay Anabu 2-A sa Imus City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ariane Jaye Dela Rosa, dalaga, high school teacher sa Southern Phil. Institute of Science and Technology at nakatira sa Block 6, L18, Molave Street sa Sagana Remville Homes, Brgy. Habay II, Bacoor City, Cavite.           

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Formoso, nagde-decorate ang mga guro kabilang ang biktima para sa Aquaintance party sa ikatlong palapag nang bigla lumakas ang hangin.

Dito na nilipad ang tent kung saan nasa loob naman ang biktima na nag-aayos.

Tinangka pang sagipin ng kasamahang guro na si Roberth Laxina at estudyante na si Archie Sarreal subalit nakabitiw ang biktima kung saan lumagapak sa sementadong palapag.

Mabilis na isinugod  sa Our Lady of  Pillar  Hospital subalit  ideklarang patay dahil sa matinding sugat sa ulo.

ARCHIE SARREAL

ARIANE JAYE DELA ROSA

BACOOR CITY

BARANGAY ANABU

CAVITE

IMUS CITY

INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

MICHAEL FORMOSO

MOLAVE STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with