BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Umaabot sa P 8 M halaga ng mga puno at binhi ng marijuana ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication operations sa lalawigan ng Kalinga, kamakalawa.
Ayon kay Kalinga Police Director Sr Supt. Froilan Perez, ang bulto ng marijuana ay natunton ng pinagsanib na pwersa ng Kalinga Police at mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa masukal na kagubatan ng Sitio Onway, Barangay Bugnay, Tinglayan Kalinga na halos nasa boundary ng Sadanga Mountain Province.
Sinabi ni Perez na aabot sa humigit kumulang sa 40,000 puno ng marijuana, mga pinatuyong dahon at mga binhi ang nasamsam sa lugar na umaabot ng P 8 M.
?Nabigo man ang mga awtoridad na mahuli ang hindi pa nakikilalang nangangalaga ng nasabing taniman ng marijuana. Nagpapatuloy naman ang pinalakas na anti-drug campaign upang linisin sa bawal na droga ang lalawigan.