^

Probinsiya

3 pulis Gapo sibak sa kidnapping, extortion

- Alex Galang - The Philippine Star

 OLONGAPO CITY, Philippines  – Sinibak na kahapon sa tungkulin ang tatlo sa apat na pulis Olongapo City na kinasuhan ng kasong kidnapping at extortion sa kapatid ng singer actor na si Jake Vargas.

Ito’y matapos na pormal ng matanggap kahapon ni Olongapo City Director Sr. Supt. Christopher Tambungan ang kopya ng naisampang kaso ng kidnapping, robbery at domicile mula sa City Prosecutors Office laban kina PO3 Eleazar Jimenez, PO1 Alexander Quinit Jr. at PO1 Joseph Asuncion gayundin sa isa pa nilang kasamahang pulis at isang sibilyan na nakatakdang kilalanin ng biktimang si Joseph Vargas, kapatid ng singer–actor.

Kasabay nito, iniutos na rin ni Tambungan ang pagdidisarma sa tatlong pulis na pawang nakatalaga sa intelligence unit at isasailalim sa  restricted sa Camp Cabal habang masusing iniimbestigahan.

Kahapon ay natukoy ang mga suspek sa police line up matapos na magtungo na sa himpilan ng Olongapo City Police ang biktimang si Joseph na inakusahan ang naturang mga pulis ng kidnapping at paghingi umano sa kaniya ng P200,000 na kapalit ng kalayaan ng kaniyang misis na si Jonalyn at kapatid si Odessa.

Sa rekord ng korte, noong Setyembre 5 ay puwersahang pinasok ng mga pulis ang miniature shop ng mga biktima, tinutukan ang mga ito ng baril matapos na akusahang nagpo-pot session at dinala sa intelligence unit ng pulisya.

Nakalaya lamang ang mga biktima matapos na magbayad ng P 200,000.00 sa naturang mga pulis si Miguel, ang ama ng biktimang si Joseph. 

ALEXANDER QUINIT JR.

CAMP CABAL

CHRISTOPHER TAMBUNGAN

CITY PROSECUTORS OFFICE

ELEAZAR JIMENEZ

JAKE VARGAS

JOSEPH ASUNCION

JOSEPH VARGAS

OLONGAPO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with