^

Probinsiya

Teenager na anak ng mayor, nag-suicide

- Joy Cantos - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Natagpuang patay ang 16-anyos na anak na lalaki ng alkalde ng Romblon, Romblon na pinaniniwalaang nag-suicide matapos na magbaril sa sarili sa isang tulay sa bayang ito nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Romblon Police Director P/Supt. Nestor Quilinguen, wala silang nakikitang indikasyon ng anumang foul play sa pagkamatay ng biktimang si Pete Gerard Montojo.

“Based on our investigation he committed suicide”, pahayag ni Quilinguen kung saan isang tama ng bala ng cal. 40 sa sentido ang tinamo ng biktima.

Sinabi ng opisyal na ang bangkay ng anak ni Romblon, Romblon Mayor Gerard Montojo ay natagpuan dakong alas- 6:20 ng gabi sa ilalim ng tulay sa hangganan ng Brgy. III at Brgy. IV sa kanyang bayan.

Samantalang wala ring nakukuhang impormasyon ang mga awtoridad na may kaaway ang biktima o may malaking problema at nagpadala pa umano ng ‘suicide note’ sa pamamagitan ng text ang biktima sa isang kaklase nito.

“Paalam mahal kong classmate, paalam sa inyo”, anang suicide note na nabasa na mga imbestigador sa cell phone na ipinakita sa mga ito ng isa sa mga kamag-aral at kaibigan ng batang Montojo.

Nabatid pa sa ilang mga residente malapit sa lugar, huling nakita ang biktima malapit sa nasabing tulay at ilang saglit pa ay nakarinig sila ng malakas na putok ng baril.  Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kasong ito. 

vuukle comment

AYON

BRGY

HUWEBES

INIIMBESTIGAHAN

MONTOJO

NESTOR QUILINGUEN

PETE GERARD MONTOJO

ROMBLON

ROMBLON MAYOR GERARD MONTOJO

ROMBLON POLICE DIRECTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with