Civic groups nais ng pagbabago
LAGUNA, Philippines - Naglunsad ng malaking pagkilos ang iba’t ibang civic groups sa Biñan City sa Laguna upang manawagan ng pagbabago umano sa sistema ng politika sa nabanggit na lungsod.
Pinangunahan ng Save Biñan Movement at Kasama Ako sa Pagbabago Movement ang pagtitipon na dinaluhan ng libu-libong residente sa layuning baguhin ang umiiral na sistema sa pamamalakad ng kanilang pamahalaang lokal.
Pinangunahan ni Bobet Borja na mas lalong kilala sa tawag na “Dobol B” ang pagkilos. Si Borja ang sinasabing iniendorso umano ng civic groups upang maging alkalde sa Mayo 2013 midterm elections.
Sinabi ni Borja na kasalukuyang naghahanap umano ng kalinga ang mga mamamayan sa Biñan City sa pamahalaang lokal kung saan hindi maayos na naipagkakaloob ang mga serbisyo publiko.
Nakilala si Borja bilang civic leader at tagapagpakilala kay Pangulong Benigno Aquino III sa kampanya noong 2010 elections sa mga political rally sa buong Pilipinas.
Dati ring konsehal ng Biñan ang ama ni Borja at kilalang hindi nagpayaman sa politika.
- Latest
- Trending