2 holdaper todas sa encounter

 NUEVA ECIJA, Philippines  – Napaslang ang dalawang kalalakihan na sinasabing nangholdap sa tatlong estudyante makaraang makipagbarilan sa alagad ng batas sa bahagi ng Barangay Sta. Arcadia sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Miyerkules ng madaling-araw. Isa sa dalawang napatay ay nakilalang si Alfredo  Santiago ng Barangay San Juan Accfa, batay sa nakuhang identification card, habang inaalam pa ang pangalan ng kasabwat nito. Ayon sa pulisya, bago maganap ang shootout ay hinoldap ng dalawa ang tatlong estudyanteng sina Alvin Cando, Xylene Clemente at si Charles Ballesteros. Tinangay sa mga estudyante ang kanilang cellphone, pitaka, wallet at motorsiklo. Kaagad namang naipaabot sa pulisya ang insidente kaya ginalugad ang posibleng pagdaanan ng dalawang holdaper. Mabilis namang namataan ang dalawang holdaper na lulan ng nakaw na motorsiklo kung saan imbes na sumuko ay nakipagbarilan pa sa mga pulis. 

Show comments