^

Probinsiya

Bus vs tanker: 9 patay, 9 grabe

Nina Christian Ryan Sta. Ana at Joy Cantos - The Philippine Star

NUEVA ECIJA, Philippines - Siyam katao ang nasawi habang siyam pa ang malubhang nasugatan makaraang magbanggaan ang isang pampasaherong bus at kasalubong na oil tanker sa Maharlika Highway sa Muñoz Science City, Nueva Ecija kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Leoncio Pajarillo, 39; Evangeline Pajarillo, 41, magkaangkas sa motorsiklo; Silvino Marzo, driver ng oil tanker; Ryan Camangeg, driver ng Victory Liner Bus; Donatella Aquino, Marife Bondoc, kap­wa nakatira sa bayan ang Piat, Cagayan; at tatlong babae na hindi pa natukoy ang pangalan.

Ginagamot naman sa Paulino Garcia Memorial Research Hospital sa Cabanatuan City ang mga sugatang sina Rolando Cotanes, Maria Rowena Dacanay, Arthur Antonio Solinas, Juan Lima Taguilan, Araceli Medina, Jone Audalang, Arthur Calinas, Elvino Bajinang at si Alma Sansano.

Samantala, ang mga pasaherong hindi naman nasugatan kabilang na ang ilang nagtamo ng gasgas ay  pinick-up na ng Manila –bound bus  ng Victory Liner.

Sa ulat ni P/Supt. Michael Angelo Zuñiga, hepe ng Muñoz Science City PNP, bandang alas-2:30 ng madaling araw ng maganap ang trahedya sa bahagi ng Maharlika highway sa Sitio Curva, Barangay Bantog sa nabanggit na lungsod.

Kasalukuyang bumabagtas ang Victory Liner Bus (CWR 195) ni Cama­ging na may lulang 40 pasahero patungong Maynila nang mag-overtake ito sa sinusundang motorsiklo ng mag-asawang Pajarillo.

Bahagyang nahagip ng nasabing bus ang motorsiklo kung saan hindi naman naiwasan masalpok ang kasalubong na Isuzu truck gasoline tanker (XMD 771) ni Marzo at madamay ang motorsiklo ng mag-asawa.

ALMA SANSANO

ARACELI MEDINA

ARTHUR ANTONIO SOLINAS

ARTHUR CALINAS

BARANGAY BANTOG

CABANATUAN CITY

DONATELLA AQUINO

ELVINO BAJINANG

SCIENCE CITY

VICTORY LINER BUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with