^

Probinsiya

5 holdaper arestado

- Jonie Capalaran - The Philippine Star

BATAAN, Philippines   – Kalaboso ang limang kalalakihan na sinasabing miyembro ng Taguro RobberyHoldap Gang na nag-ooperate sa Central Luzon at Kalakhang Maynila makaraang maaresto ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group, pulis-Dinalupihan at Provincial Intelligence and Instigation Branch sa inilatag na checkpoint sa Brgy. Sta. Isabel sa bayan ng Dinalupihan, Bataan kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Alfreda dela Roca, hepe ng Dinalupihan PNP ang mga suspek na sina Roam Puerto, 30, security guard ng L and G Security Agency, ng #925 Pasaje Galvan Street, Leon Guinto, Manila; Antonio Toribio, 35, ng # 268 Brgy. Mayamot, Antipolo City, Rizal; Angelito Geronimo ng Barangay Sto. Niño, Macabebe, Pampanga; Jerry Tolentino, 48, ng #98 Cathlea Street, Pasong Tamo, Quezon City; at si Richard Morales, 23, lider ng Taguro Robbery Holdap Gang, ng Brgy. San Jose, Balanga City, Bataan.

Ang mga suspek na sinasabing tangkang biktimahin ang isang negosyante sa bayan ng Dinalupihan ay nasilat matapos maitimbre sa pulisya ang kanilang modus operandi.

Nasamsam sa mga suspek ang cal. 38 revolver, dalawang granada, cal. 9mm Uzi, limang cellphone, pulang kotseng Sedan (TSG 890) at motorsiklo (PI 7825).

ANGELITO GERONIMO

ANTIPOLO CITY

ANTONIO TORIBIO

BALANGA CITY

BARANGAY STO

BRGY

CATHLEA STREET

CENTRAL LUZON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DINALUPIHAN

JERRY TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with