Fetus itinapon sa kanal

QUEZON, Philippines  - Isang fetus na sinasabing nasa 5 hanggang 6 na buwan ang natagpuan sa gilid ng kanal ng Quirino Highway sa Barangay Silang sa bayan ng Tagkawayan, Quezon, kamakalawa ng hapon. Ayon sa pulisya, ang fetus ay nakalagay sa kahon nang ito ay matagpuan. Samantala, inaalam na ng pulisya ang nagtapon ng fetus para panagutin sa krimen.

Show comments