Mister todas sa brgy. chairman

Legazpi City, Philippines  – Pinaniniwalaang away sa lupain ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggng sa mapatay ang isang mister ng barangay chairman sa naganap na pana­nambang sa Barangay Docol sa bayan ng Baleno, Masbate kamakalawa. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Nestor Rance ng Sitio Sabang, Barangay Lahong habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Chairman Noli Licup, 46. Naganap ang pananambang dakong alas-10:30 ng umaga habang ang biktima, kasama ang kanyang dalawang utol na sina Ernie Rance at Elver Rance ay magkakaangkas sa motorsiklo.

Show comments