CEBU CITY, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak ang isang guro na sinasabing Outstanding Teachers of the Paknaan National High School sa Mandaue City, Cebu matapos pakainin ng papel ang 30 estudyante sa loob ng klasrum noong Sept. 5.
Ayon sa school principal na si Josephine Babatuan, ang nabanggit na insidente ay nakaabot lamang sa kanya noong Sept. 10 kaya ipinatawag niya ang guro na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan para magpaliwanag.
Inamin naman ng teacher sa Math subject ang nagawang pagkakamali laban sa kanyang 4th year students pero pinabulaanan ang akusasyong pinalunok niya ang papel kung saan sinasabing dumanas ng diarrhea ang mga kabataan matapos palunukin sa kanila ang papel.
Gayon pa man isa sa mga estudyanteng babae na nakapanayam sa TV, sinabi nito na inutusan sila ng guro na lunukin ang papel sa loob ng 10 minuto subalit hindi niya sinunodkaya tinangka siyang batuhin ng mono-bloc chair.
Napag-alamang pinagawa ng seatwork ang mga estudyante subalit nang dumating ang kanilang guro mula sa kabilang silid-aralan ay nadatnang nagkukuwentuhan lamang kaya nagalit ang guro at pinakain sila ng papel.
Sa pahayag naman ni Benjamin Tiongzon, administrative officer of DepEd Mandaue City Division na humingi na rin ng tawad ang guro sa kanyang mga estudyante sa nagawang pagkakamali.
Subalit isa sa mga magulang ng estudyante ay hindi tinanggap ang apology bagkus sinabi nito sa binuong committee para mag-imbestiga na nakasumite na siya ng kaso sa Office of the Ombudsman-Visayas kung saan ibinigay naman sa Commision on Human Rights para sa legal assistance.
Sinabi pa ni Babatuan na inilipat na niya ang guro sa ibang klasrum para hindi ma-traumatized ang mga naapektuhang estudyante habang hinihintay ang resolution sa Office of the Ombudsman-Visayas, they will just wait for the resolution kung sasailalim sa preventive suspension ang guro. Freeman News Service at Joy Cantos