^

Probinsiya

30 estudyante pinakain ng papel ng guro

- The Philippine Star

CEBU CITY, Philippines  – Nalalagay sa balag ng ala­nganing masibak ang isang guro na sinasa­bing Outstanding Teachers of the Paknaan National High School sa Mandaue City, Cebu matapos pakainin ng papel ang 30 estudyante sa loob ng klasrum noong Sept. 5.

Ayon sa school principal na si Josephine Babatuan, ang nabanggit na insidente ay nakaabot lamang sa kanya noong Sept. 10 kaya ipinatawag niya ang guro na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan para magpaliwanag.

Inamin naman ng teacher sa Math subject ang nagawang pagkakamali laban sa kanyang 4th year students pero pinabulaanan ang akusasyong pinalunok niya ang papel kung saan sinasabing dumanas ng diarrhea ang mga kabataan matapos palunukin sa kanila ang papel.

Gayon pa man isa sa mga estudyanteng babae na nakapanayam sa TV, sinabi nito na inutusan sila ng guro na lunukin ang papel sa loob ng 10 minuto subalit hindi niya sinunodkaya tinangka siyang batuhin ng mono-bloc chair.

Napag-alamang pinagawa ng seatwork ang mga estudyante subalit nang duma­ting ang kanilang guro mula sa kabilang silid-aralan ay nadatnang nagkukuwentuhan lamang kaya nagalit ang guro at pinakain sila ng papel.

Sa pahayag naman ni Benjamin Tiongzon, administrative officer of DepEd Mandaue City Division na hu­mingi na rin ng tawad ang guro sa kanyang mga estudyante sa nagawang pagkakamali.

Subalit isa sa mga magulang ng estud­yante ay hindi tinanggap ang apology bagkus sinabi nito sa bi­nuong committee para mag-imbestiga na nakasumite na siya ng kaso sa Office of the Ombudsman-Visayas kung saan ibinigay naman sa Commision on Human Rights para sa legal assistance.

Sinabi pa ni Babatuan na inilipat na niya ang guro sa ibang klasrum para hindi ma-traumatized ang mga naapektuhang estudyante habang hinihintay ang resolution sa Office of the Ombudsman-Visayas, they will just wait for the resolution kung sasailalim sa preventive suspension ang guro. Freeman News Ser­vice at Joy Cantos

BENJAMIN TIONGZON

FREEMAN NEWS SER

GURO

HUMAN RIGHTS

JOSEPHINE BABATUAN

JOY CANTOS

MANDAUE CITY

MANDAUE CITY DIVISION

OFFICE OF THE OMBUDSMAN-VISAYAS

OUTSTANDING TEACHERS OF THE PAKNAAN NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with