MANILA, Philippines - Sugatan ang isang sundalo ng Cafgu Active Auxiliary (CAA) makaraang sumabog ang granada na inihagis ng riding-in-tandem sa detachment ng tropa ng militar sa tabi ng national highway sa bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang sugatang biktima na si Tirso Wakan na nagtamo ng mga tama ng shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa ulat ng Army’s 6th Infantry Division, naganap ang pagpapasabog bandang alas-4 ng madaling-araw matapos na hagisan ng granada ang detachment ng 7th Infantry Battalion ng Phil. Army. Sinisilip pa ng mga awtoridad kung may kinalaman ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ni Commander Ameril Umbra Kato.