Obrero kinatay ng mag-utol

QUEZON, Philippines  – Pinagtulungang pagtatagain hanggang sa mapatay ang 23-anyos na obrero ng tatlong mag-uutol na lalaki sa Barangay Villahermosa sa bayan ng Lopez, Quezon, kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Mark Reynold Origenes, 23, ng Barangay Binahian habang tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Roldan, Rodel at Edwin Marchan na pawang nakatira sa nabanggit na barangay. Sa pagsisiyasat ni SPO4 Raul Paraiso, lu­militaw na ihahatid ng biktima ang kanyang kaibigan nang harangin at pagtatagain. Hindi naman sinaktan ang kaibigan ng biktima na natulala na lamang sa nasaksihang krimen habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments