CAMARINES NORTE, Philippines - Bagsak-kalaboso ang dalawang lalaki makaraang arestuhin ng pulisya sa kasong rape sa mga bayan ng Daet at Labo sa Camarines Norte kamakalawa. Sa ulat ni P/Chief Insp. Nico Fuentes, hepe ng CIDG sa Camarines Norte, unang nadakma si Elmer Balce sa Barangay Camambugan sa bayan ng Daet matapos magpalabas ng warrant of arrest si Judge Arniel Dating ng Daet Regional Trial Court Branch 40. Samantala, si Jumar Daep ay nasakote naman sa bahagi ng Purok 2, Barangay Bagong Silang sa bayan ng Labo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rolando De Lemios Bobis ng Labo Regional Trial Court Branch 64.