Trader dinedo sa palaisdaan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Napaslang ang 46-anyos na negos­yante na sinasabing nama­ril sa palaisdaan matapos itong pagtatagain ng mag-ama kamakalawa ng hapon sa Barangay Dalipe sa ba­yan ng Cawayan, Masbate. Kinilala ng pulisya ang na­patay na trader na si Ro­berto Bermejo habang malubha namang nasugatan ang mag-amang sina Edgar Salimbot, 39, katiwala sa fishpond; at Reymart Salimbot, 17, na kapwa naisugod sa Masbate Provincial Hospital. Nabatid naa sumugod sa palaisdaang pag-aari ni Toto Montecalvo ang negosyanteng si Bermejo kung saan pinagbabaril ang mag-ama sa hindi nabatid na dahilan. Kahit sugatan ay nagawang pagtatagain hanggang sa mapatay ng matandang Salimbot ang negosyante. Narekober sa crime scene ang cal. 9mm revolver na ginamit sa pamamaril.

Show comments